Makipag-ugnayan

Magsumite ng kahilingan para sa locate online sa california811.org o tumawag sa 811 nang hindi bababa sa dalawang araw ng negosyo bago ang paghuhukay, hindi kasama ang petsa ng abiso. Makikipag-ugnayan ang SoCalGas, pati na rin ang iba pang may-ari ng utility, upang LIBRENG markahan ang lokasyon ng lahat ng linya na pagmamay-ari ng utility. Suriin ang mga tugon ng utility sa iyong locate ticket sa pamamagitan ng pagbisita sa DigAlert.org o USANorth811.org.

Makinig

Kung may maririnig kayong mga kakatwang ingay tulad ng may sumisitsit o may sumisipol.

Tingnan

Kung may makikita kayong isang sirang koneksyon papunta sa isang kasangkapang pinagagana ng natural na gas, ng dumi/tubig na lumalabas papunta sa ere, isang tuyong patse ng damo, sunog o isang pagsabog na malapit sa isang tubo.

Gumamit ng mga kagamitang manwal

Upang maipakita ang eksaktong lokasyon ng nakamarkang linya ng serbisyo, gumamit lamang ng mga kagamitang pangkamay at panatilihin ang hindi bababa sa 24 pulgada sa bawat gilid ng marka sa lugar. Kung nakasaad ang laki ng linya ng serbisyo, gumamit lamang ng mga kagamitang pangkamay na may distansyang 24 pulgada dagdag ang kalahati ng nakasaad na laki sa bawat gilid ng marka.

Kumpirmahin

Kumpirmahin na ang mga utilidad ay nakapagmarka na ng iminumumgkahing lugar na tatrabahuhin. Ang natural na gas ay tinukoy sa dilaw. Kung walang mga pasilidad ng natural na gas sa inyong lugar na tinatrabaho, maaaring may tumawag sa inyo, mag-email, o maaaring may makita kayo sa lupa na “walang masasagi” o “walang natural na gas”.

Maghintay

Huwag maghuhukay hanggang sa ang alinman sa namarkahan na namin ang mga tubo namin ng gas o sinabihan kayo na klaro na ang lugar.

Markahan

Markahan ang iminumungkahi ninyong lugar na huhukayin. Gumamit ng puting pintura o maglagay ng iba pang mga pang-marka.

Subscribe to

We use cookies, pixels, and similar tools (“cookies”), some provided by third parties, to operate, improve, and personalize content and ads on our and other sites, and to enable and optimize site functionality. We and these third-parties may monitor, record, and access your data, including IP address and other identifiers, for these and similar purposes. More info: Privacy Policy. By browsing the site, you agree to our TERMS & CONDITIONS and to the use of these cookies and the collection/disclosure of your information by us and third-parties.