811 at mga Pang-Kaligtasang Tip para sa Inyong Tahanan
Kaligtasan ng mga Aso at ng Nagbabasa ng Metro
Protektahan ang kaligtasan ng inyong mga alagang hayop at ang aming mga empleyado.
Nasagi ang isang Linya ng Natural na Gas
Maaaring pagbayarin kayo para sa halaga ng pagkukumpuni ng mga nasira at maaaring magkaroon pa ng mga karagdagang multa kung hindi kayo makikipag-ugnayan sa 811 sa loob nang hindi na bababa pa sa dalawang araw na may trabaho bago maghukay.
Muling Pagbubuo ng Impormasyon para sa Mga Customer na Naapektuhan ng Wildfire
Mga Kagamitang Hawak ng Kamay
Gumamit lamang ng mga kagamitang hawak ng kamay sa loob nang 24 na pulgada sa bawat tabi ng mga minarkahang utilidad upang maingat na mailantad ang mga eksaktong lokasyon.
Kumpirmahin
Kumpirmahin na ang mga utilidad ay nakapagmarka na ng iminumumgkahing lugar na tatrabahuhin. Ang natural na gas ay tinukoy sa dilaw. Kung walang mga pasilidad ng natural na gas sa inyong lugar na tinatrabaho, maaaring may tumawag sa inyo, mag-email, o maaaring may makita kayo sa lupa na “walang masasagi” o “walang natural na gas”.
Maghintay
Huwag maghuhukay hanggang sa ang alinman sa namarkahan na namin ang mga tubo namin ng gas o sinabihan kayo na klaro na ang lugar.
Makipag-ugnayan
Magsumite ng isang kahilingan sa online, o tumawag sa 811 upang magsumite ng isang kahilingang pang-lokasyon sa loob nang hindi na bababa pa sa sa dalawang araw na may trabaho bago maghukay, hindi kasama ang petsa ng notipikasyon. Kokontakin ang SoCalGas, pati na ang iba pang mga may-ari ng utilidad, upang markahan ang lokasyon ng lahat ng mga linya ng utilidad na may nagmamay-ari, nang LIBRE. Suriin ang mga tugon kaugnay ng mga utilidad patungkol sa inyong tiket ng 811 sa pamamagitan ng pagbisita sa DigAlert.org o USANorth.org.
Markahan
Markahan ang iminumungkahi ninyong lugar na huhukayin. Gumamit ng puting pintura o maglagay ng iba pang mga pang-marka.