
811 at mga Pang-Kaligtasang Tip para sa Inyong Tahanan

811 Bago Kayo Maghukay - Libre Ito!
Kung kayo ay mayroong plano na maglagay ng bakod, magtanim ng puno o maghukay para sa anumang kadahilanan, protektahan ang inyong pamilya, mga kapitbahay at mga tubo na malapit sa inyo, hilingin na markahan ang mga tubo.
Sundin ang mga sumusunod na mahahalagang hakbang bago kayo magsimula ng isang proyekto:
Ang isang tiket na USA ay balido sa loob nang 28 araw. Kung ipagpapatuloy ang isang trabaho, kailangang isapanahon ang tiket bago ang katapusan ng 28 araw.
TANDAAN: Responsibilidad ng SoCalGas ang pagmamarka ng mga tubo ng natural na gas hanggang sa metro ng gas. Upang makita ang lokasyon at mamarkahan ang mga linyang pagmamay-ari ng mga kustomer, na karaniwang dumadaan mula sa metro hanggang sa kagamitang pang natural na gas, makipag-ugnayan sa isang k’walipikadong propesyunal na naghahanap ng lokasyon ng tubo.
Kilalanin ang Singaw ng Natural na Gas
Magkaroon ng kaalaman ukol sa anumang mga palatandaan na maari ninyong makita, marinig o maamoy kapag may singaw.
[1] Maaaring hindi maamoy ng ilang mga tao ang amoy sapagkat nabawasan na ang kanilang pang-amoy, mayroon silang pagod na olpaktoryo (normal, pansamantalang kawalan ng kakayahan na tukuyin ang kaibhan ng isang amoy pagkatapos ng isang natagalang pagkalantad dito), isang pansamantalang kawalan ng pang-amoy dahil sa isang sakit sa respiratoryo o iba pang kondisyong pisikal, o dahil sa ang amoy ay natatabunan o nasasapawan ng iba pang mga naroroong amoy. Dagdag pa rito, ang ilang mga tubo at mga kondisyon ng lupa ay maaaring maging sanhi ng paglaho ng amoy (ang pagkawala ng nagdudulot ng amoy kung kaya hindi na ito maamoy).
Iulat ang Singaw ng Natural na Gas
Kung kayo ay may supetsa na may singaw ang natural na gas, lisanin kaagad ang lugar at tawagan kami mula sa isang ligtas na lokasyon: 1-800-427-2200.
Tumawag kaagad sa 911 mula sa isang ligtas na lokasyon, kung mayroong pinsala na nagresulta mula sa singaw ng natural na gas na maaaring maglagay ng buhay sa panganib, maging sanhi ng panganib sa katawan, pagmulan ng pinsala sa ari-arian, at/o kung hindi ninyo makontak ang SoCalGas sa anumang kadahilanan.
Naglaho ang Amoy
Kung minsan, ang mga pisikal at/o mga kemikal na proseso ay maaaring pagmulan ng paglaho ng pinagmulan ng amoy ng natural na gas, kaya walang maamoy. Ang naglahong amoy ay maaaring dahil sa absorpsyon, oksihenasyon o anumang kombinasyon ng mga ito.
Ang paglaho ng amoy ay mas malamang na mangyari sa mga sumusunod na sitwasyon:
- Sa bago, bakal na tubo na kamakailan lamang ginawa o hindi pa dating ginamit para sa natural na gas na nilagyan ng amoy.
- Sa mga natural na sistema ng pagtutubo para sa natural na gas na gumagamit ng mas mataas na presyur ng gas, at kapag ang daloy ng natural na gas ay limitado o patigil-tigil.
- Kung may kalawang, may mga paknit-paknit, halumigmig, hangin, paglalangis, may mga pinangsara na magkakadugtong na tubo, mga likido, mga likidong nalikha ng kondensasyon at iba pang mga bagay-bagay.
- Ang disenyo at konstruksyon ng mga sistema ng pagtutubo ng kustomer, tulad ng sa haba ng tubo at/o mga dayametro.
Dahil sa posibilidad na naglaho ang amoy, mahalaga na huwag umasa sa inyong pang-amoy upang ma-alerto na sumisingaw na pala ang natural na gas. Para sa isang maaaring i-print na kopya tungkol sa naglahong amoy at mga ligtas na gawi kaugnay ng pagpupurga, tingnan ang aming Safety Bulletin.
Kung mayroon kayong mga karagdagang tanong o mga alalahanin tungkol sa pagkokondisyon ng tubo o naglaho na ang amoy, tumawag sa amin sa 1-800-427-2200 o makipag-ugnayan sa isang lisensiyado, k’walipikadong propesyunal.
*Ang isang sakit sa respiratoryo o iba pang kondisyong pisikal ay maaaring maging sanhi ng pansamantalang pagkawala ng pang-amoy na maaaring maging dahilan upang lalo pang maging mas mahirap na madetekta ang pinagmumulan ng amoy na idinagdag sa natural na gas upang makatulong sa madaling pagdetekta ng mga singaw.
Paano Maghahanda para sa Pagpapa-usok
Bago magpa-usok, tiyakin na nag-shut off na ang isang teknisyan ng SoCalGas ng inyong serbisyo ng natural na gas.
Pag-Shut Off Dahil sa Lindol at Labis na mga Balbulang Daluyan
Tingan kung paano na ang pag-shut off at ang labis na mga balbulang daluyan ay makakatulong sa isang emerhensiya.
Paglilinis ng Panglabas na Linya ng Imburnal
Tiyakin na ang inyong linya ng imburnal ay hindi nahaharangan ng tubo ng natural na gas.